THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Sunday, May 24, 2015

Kabit kabit na sulat-- Mga Litrato

Sana pwede rin akong magkwento gamit ang mga litrato.
Mga tatlong daang litrato.
Tatlong daang litratong dadaig sa mga litratong pinagmamalaki nya.
Ang totoo, mahigit pa sa tatlong daang litratong kuwento ang meron ako.
Na magkasama tayo.
Yung magkadikit tayo.
Magkayakap.
Sana pwede ka ring maglagay ng litrato
Na lalagyan mo rin ng kwento sa ilalim.
Yung kung gaano tayo kasaya.
Kung gaano tayo kaligaya.
Na Magkasama.
Magkayakap.
Siguro nga, mas marami tayong nagawa
sa nakalipas na mahigit apat nang taon.
Mas naging masaya ka sa atin.
Naging mas malaya.
Nagkaron ka ng mga alaala na sa akin mo lang naranasan.
Nagawa natin lahat ng mga bagay na masaya tayong dalawa.
Pero sa lahat ng mga nagawa natin,
Walang pwedeng makaalam kundi tayo.
Walang litratong pwedeng lumabas
Walang ibang pwedeng maging masaya
Walang ibang taong pwedeng maging masaya para sa atin
Walang ibang taong pwedeng mainggit 
Dahil walang ibang taong pwedeng makaalam 
Na mahal mo ako
Na kasama mo ako
Na Niyayakap mo ako
Walang ibang taong pwedeng makaalam
Kung gaano kita kamahal
Kung gaano ko ka-gustong makasama ka
Mayakap ka