THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, May 7, 2013

Lunod

Para yang, inihagis ka sa gitna ng malalim na dagat..
 ikampay mo man ang mga kamay mo,
ipadyak mo man sa tubig ang mga paa mo,
makakuha ka man ng kaunting hangin,
mas malalim pa rin yung sa ilalim
kesa sa naaabot ng hininga mo sa itaas...

Yung tubig kasi,
kahit hindi nagsasalita,
kahit wala naman syang ginagawa sa yo..
lulunurin ka nyan,
walang awang pipigain ang hangin palabas sa baga mo,
habang kampay ka ng kampay sa kawalan,
yung tubig sa paligid mo,
kung ano sya nung inihagis ka sa kanya,
yun pa rin sya nung nilunod ka nya.

Tuesday, March 12, 2013

Still Alive and Kicking..and Panting...and Wanting...

Been more than a year since I have blogged about anything here!!
Atleast naman naaalala ko pa pala ang access ko to this dearly beloved blog site.
This has been my venting area since 6 years ago, at eto, na-erase ko na ang lumang laman at may bagong laman na, but still in perfect use.

Sisimulan ko ulit magsulat ng storyang may "laman", if you all know what i mean, and I will try to finish one story every week, starting with my next post, which is in a while..... ;-)

See you then!