THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Tuesday, May 7, 2013

Lunod

Para yang, inihagis ka sa gitna ng malalim na dagat..
 ikampay mo man ang mga kamay mo,
ipadyak mo man sa tubig ang mga paa mo,
makakuha ka man ng kaunting hangin,
mas malalim pa rin yung sa ilalim
kesa sa naaabot ng hininga mo sa itaas...

Yung tubig kasi,
kahit hindi nagsasalita,
kahit wala naman syang ginagawa sa yo..
lulunurin ka nyan,
walang awang pipigain ang hangin palabas sa baga mo,
habang kampay ka ng kampay sa kawalan,
yung tubig sa paligid mo,
kung ano sya nung inihagis ka sa kanya,
yun pa rin sya nung nilunod ka nya.